Gagawin ito araw ng Martes, June 11 sa Heritage Park sa Barangay Alapan 2-B na bahagi ng “Huling Parangal sa Watawat ng Pilipinas.”
Ayon sa City Information Office ng lungsod, libu-libong mga luma, sira at kumupas na national flags na nakaimbak sa syudad ang susunugin alinsunod sa Flag and Heraldic Code of the Philippines.
Nilinaw din ng tanggapan na hindi dapat itinatapon ang mga lumang watawat at sa halip ay sinusunog ito para hindi magamit sa hindi tamang pamamaraan.
Ang abo naman ng nasunog na Philippine flag ay ilalagay sa isang urno at ililibing sa isang flag grave.
Ang Imus ang tinaguriang Flag Capital of the Philippines.
Plano rin ng pamahalaang panglungsod na magdaos ng ganitong seremonya kada taon.