Sa kanyang talumpati sa St. Petersburg International Economic Forum sa Russia, sinabi ni Speaker GMA na majority sa tinatayang 10,000 Filipinos na nagtatrabaho sa nasabing bansa ay mga undocumented.
Ang mga ito anya ay nagbayad ng aabot sa $3,800 para magkaroon ng visa.
Dahil dito, nahaharap anya ang mga undocumented OFW sa pag aresto kaya naman ay deporation.
Iginiit ni Speaker GMA na biktima lamang ang mga ito ng mga illegal recruiters at human traffickers.
Ang nakikita anyang solusyon ng pinuno ng Kamara ay ang maayos na kasunduan ng dalawang bansa dahil sa malaki naman ang naitutulong mga Pinoy sa Russia at gayundin naman ang nasabing bansa sa Pilipinas.