Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nataas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso na inilabas ng PAGASA, alas 11:24 ng umaga ng Lunes (June 10), malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Pampanga, Laguna, Batangas, Cavite, at Zambales sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng General Nakar, Real at Mauban sa Quezon; San Miguel, Bulacan; at Gapan Nueva Ecija.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa posibleng flash floods at landslides.

Read more...