Pulis sugatan nang saksakin ng drug suspect sa buy-bust sa Albay

Sugatan ang isang pulis makaraang masaksak ng drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Polangui, Albay.

Nagtamo ng tama ng saksak sa kanang balikat ang pulis na nagpanggap na buyer.

Ang drug suspect naman na si Dan Mark Regalario ng Barangay Magurang ay nagawang makatakas.

Ayon kay Police Maj. Edgar Azotea, hepe ng Polangui Police station, bumunot ng panaksak si Regalario nang matunugang pulis ang katransaksyon.

Agad namang nakapagpaputok ang mga pulis sa lugar pero nagawang makatakbo ni Regalario.

Pinaghahanap ngayon ang naturang suspek na nasa druigs watchlist sa Polangui.

Habang ang pulis ay nasa mabuti naman nang kondisyon.

Read more...