Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, ang Segment 3A na bahagi ng C5 South Link Expressway ay pinaka-kritikal na segment ng kalsada dahil tatawid ito ng SLEX.
Sa sandaling ito ay mabuksan na sa susunod na buwan, ang mga motorista na mula Las Piñas at Parañaque ay hindi na kailangang umikot pa sa EDSA-Sales at sa halip ay makadidiretso na sila sa C5.
Sa ngayon isinasapinal pa ng DPWH kung magkano ang toll fee para sa nasabing daan pero maari aniyang umabot ng P20 hanggang P22.
Dahilsa 7.7 kilometer na expressway sinabi ni Villar na ang travel time mula Makati at Taguig patungong Las Piñas at Parañaque at maging sa Cavite ay mababawasan.
Sa 2020 target na makumpleto ang proyekto.