Luzon Grid isinailalim sa yellow alert

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon Grid ngayong araw ng Lunes, Jun3 10.

Ito ay dahil sa manipis pa ring reserba sa kuryente sa Luzon.

Ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon ay mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Mayroong available capacity na 11,781MW
sa Luzon habang ang peak demand naman ay 11,100MW.

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational brownount habang nakataas ang yellow alert.

Pero payo ng NGCP sa publiko, magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.

Read more...