Rafael Nadal nasungkit ang pang-12 French Open title

AFP photo
Nasungkit ni Rafael Nadal ang ika-12 tropeo sa French Open.

Sa kabila ng edad, hindi nagpadaig ang Spanish player sa mas batang si Dominic Thiem para makopo ang korona.

Ito rin ang pang-18th Grand Slam title ni Nadal sa kanyang tennis career.

Tumagal ng tatlong oras ang laban bago natapos sa score na 6-3, 5-7, 6-1 at 6-1.

Ang 33-anyos na si Nadal ang unang player na nanalo ng kaparehong Grand Slam title ng 12 beses.

Nahigit nito si Margarest Court na mayroong 11 sa Australian Open at 2 major title para mahigitan ang Grand Slam title holder na si Roger Federer.

Read more...