Pangulong Duterte wala pang hawak na ebidensya na may sangkot na government officials sa ‘ghost dialysis’

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang hawak na ebidensya na magpapatunay na may mga government official na sangkot sa P154 billion ‘ghost dialysis’ controversy sa PhilHealth.

Ayon sa pangulo, sa ngayon, uunahin niya munang tugisin at parusahan ang mga ospital na naniningil ng pangpa-dialysis kahit wala ang pasyante.

Malinaw kasi aniya na pangloloko ang ginagawa ng mga ospital sa pondo ng bayan.

Pagtitiyak ng pangulo, bubusiiin niya ng husto kung sino ang mga kawani ng gobyerno na nakikipagsabwatan sa naturang kalokohan.

Ayaw kasi ng pangulo na sinasaktan at niloloko ang taong bayan.

“yung mga hospital nagcha-charge na maski wala na ‘yung pasyente o ‘yung mga dialysis patients, ‘yun sila ang nagfa-file ng fraudulent claim. That’s fraud. So sila ‘yung unahin ko. But I’m looking into any culpability of an employee of government joining or in cahoots or in conspiracy,” ayom sa pangulo.

Aminado ang pangulo na ang arterial o pinakasentro ng mga dialysis patient ang nasapol ng ‘ghost dialysis’ controversy.

Read more...