9 na lugar sa Ilocos Norte inilagay sa election watchlist

 

Mula sa google maps

Siyam na bayan sa probinsya ng Ilocos Norte ang isinailalim ng pulisya sa election watchlist.

Ayon kay Ilocos Norte provincial director Senior Supt. Albert Ocon, kabilang sa siyam na bayan ay ang Pagudpud, Bacarra, Bangui, Pasuquin, Vintar, Badoc, Marcos, Solsona at Paoay.

Inilagay aniya ang mga naturang bayan sa election watchlist dahil sa matinding labanan ng mga pulitiko doon.

Dagdag pa ni Ocon, pinagsususpetiya nila na ang ilang naitalang krimen sa naturang mga bayan ay may kaugnayan sa eleksyon.

Pinag-aaralan na ngayon ng opisyal kung kailangan pa bang magdagdag ng mga pulis sa mga naturang bayan.

Read more...