Ang nasabing dayuhan na nakilalang si Andres Rodriguez, ay dinakip matapos mahuli sa kaniya ang 92 pirasong cocaine pellets na kaniyang nilunok para maitago sa mga otoridad.
Galing Abu Dhabi sa United Arab Emirates ang dayuhan nang makita sa x-ray ang mga cocaine pellets na kaniyang nilulon.
Ayon sa inisyal na impormasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) tinatayang aabot sa P7 million ang street value ng cocaine na nakuha kay Rodriguez.
Isasailalim sa inquest proceedings ang nasabing dayuhan at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.