Sitwasyon sa NAIA matapos ang red lightning alert kagabi unti-unti nang bumubuti – MIAA

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na unti-unti nang naibsan ang air traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang dalawa at kalahating oras na ground movement suspension kagabi.

Sa pahayag ng MIAA, umiral ang red lightning alert alas 6:40 ng gabi hanggang alas 9:45 ng gabi ng Linggo, June 9.

Tiniyak ng MIAA na nagtutulong-tulong ang Airport Officials at airline companies para matugunan ang sitwasyon at maibalik sa normal ang operasyon.

Humingi rin ng pang-unawa ang MIAA sa mga pasaherong apektado.

Read more...