Southern Luzon at Visayas apektado ng ITCZ

Apektado ng Intertropical Convergence Zone ang Southern Luzon at Visayas.

Ayon kay Pagasa weather specialist Aldzar Aurello, ang ITCZ ay maghahatid ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa MIMAROPA, Bicol Region at buong Visayas.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila magiging maganda ang lagay ng panahon at magkararanas lamang ng pag-ulan dahil sa localized thunderstorm sa hapon o gabi.

Samantala, sa buong Mindanao, maaliwalas na panahon din ang mararanasan at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw.

Read more...