Sa panayam ng self-proclaimed ‘Appointed Son of God’ na si Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng pangulo na hindi niya ipagdiriwang ang makasaysayang bahaging ito ng bansa dahil nagpasimula ito sa imperyalismo at pagpapahirap sa mga Filipino.
Sa isang panayam, sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi namimilit ang Simbahang Katolika at inirerespeto nito ang desisyon ng bawat isa.
Paliwanag ni Santos, ipagdiriwang ang ika-500 taon ng Kristiyanismo dahil isa itong biyaya ng Diyos na dapat ipagpasalamat.
“Those 500 years are God’s graces. God comes to us. Christianity is God’s gift to us. It is his blessing and we are blessed. And we have to be grateful to God. We have to appreciate the sacrifices and services of those early missionaries who planted the seed of the gospel to us. It is our nature to be always grateful,” ani Santos.
Ayon naman kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, karapatan ng pangulo na ipahayag ang kanyang saloobin.
Iginiit ng obispo na ang pananampalatayang Katoliko ay higit sa sinasabi at reaksyon ng iilan at nakatuon anya ang puso ng bawat Kristiyano-Katoliko sa Diyos.
“He has his own right to express himself. Our faith is beyond what people say and how they react. Our hearts are focused on God,” ani Ongtioco.
Para kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes , ipagdiriwang ang okasyon kahit wala ang pangulo at hindi kailangan ng mga lider ng Simbahan ang kanyang opinyon.
“We do not need the opinion of Duterte. We will celebrate it without him,” ani Bastes.