Una nang nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng rollback noong Sabado kung saan P2.60 kada litro ang tapyas sa gasolina at P2.70 kada litro naman sa diesel.
Mas maliit naman ang inanunsyong rollback ng Shell, Petro Gazz at Seaoil sa kanilang gasolina na aabot lamang sa P2.45 kada litro.
Pare-pareho namang P2.70 ang bawas sa kada litro ng diesel.
Ang Seaoil at Shell ay may bawas ding P2.60 sa kada litro ng kerosene o gaas.
Epektibo na kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ang rollback ng Seaoil na susundan ng Shell, Petro Gazz at iba pang kumpanya ng langis, alas-6:00 ng umaga bukas, araw ng Martes.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong may rollback sa presyo ng petrolyo.
Ang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng imported na krudo ay dahil sa trade war ng malalaking bansa.