2 lalaki, timbog dahil sa umano’y pagpatay sa kapitbahay sa Cebu City

Inaresto ang dalawang residente ng Barangay Pasil sa Cebu City matapos umanong patayin ang kanilang kapitbahay bandang 5:00, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Maj. Kenneth Pail Albotra, hepe ng San Nicolas Police Precinct, ang mga suspek na sina Jaime Mariquit, 64-anyos, at Christian Aban ang huling nakitang kasama ng biktimang si Jessie Saragoza, 41-anyos, bago binaril.

Aniya, sinabi ng nakasaksi sa krimen na lumabas ang dalawang suspek sa bahay ni Saragoza matapos marinig ang putok ng baril sa lugar bandang 5:00 ng madaling-araw.

Unang unakala ng saksi na binisita lamang ng mga suspek si Saragoza hanggang sa natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Nahuli ang dalawa sa ikinasang manhunt operation ng pulisya.

Itinanggi naman ng mga suspek na sila ang responsable sa pamamaril.

Sa ngayon, nakadetine ang mga suspek sa San Nicolas Police Precinct.

Read more...