General Luna, Surigao del Norte nilindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Surigao del Norte, Linggo ng gabi.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 86 kilometers Southeast ng General Luna bandang 8:55 ng gabi.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng ahensya na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...