Terrence Romeo, posibleng hindi makapaglaro ng 2 hanggang 3 linggo sa PBA

Posibleng mapahaba pa ang hindi paglalaro ng point guard na si Terrence Romeo para sa koponan ng San Miguel Beernmen sa PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay bunsod ng tinamong Achilles tendinitis ni Romeo sa finals ng PBA Philippine Cup kontra sa Magnolia.

Ayon kay Leo Austria, head coach ng San Miguel, inabisuhan ng mga doktor si Romeo na magpahinga nang dalawa hanggang tatlong linggo.

Kinakailangan lamang aniyang sumailalim ni Romeo sa therapy.

Ani Austria, napag-alaman ang injury ni Romeo matapos indahin ng manlalaro ang sakit sa kaniyang binti sa kasagsagan ng unang dalawang araw ng training ng koponan.

Read more...