Sa ipinadalang mensahe sa Inquirer.net, sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio na ito ay bunsod ng mga natatanggap na reklamo mula sa ilang magulang.
Karaniwan aniya itong reklamo ng mga magulang sa Digital Parenting seminars ng DICT Cybersecurity Bureau.
Dagdag pa nito, ang pag-post ng mga proyekto sa social media ay posibleng maging dahilan para masangkot ang mga estudyante sa cyberbullying sa pamamagitan ng maiiwang komento sa kanilang proyekto.
Maari rin aniyang makakuha ang ibang tao ng mga pribadong detalye sa mga menor de edad na estudyante.
Dagdag ni Rio, dapat maprotektahan ang mga estudyante mula sa panganib sa social media.
Matatandaang nauna nang hinikayat ng kagawaran ang mga guro na iwasang gamitin ang social media sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa eskwelahan.