LOOK: Unang apo sa tuhod ni Pangulong Duterte

Photo grab from Vice Mayor Pulong Duterte – Official/Facebook

Ipinanganak na ang unang apo sa tuhod ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gamit ang kaniyang Facebook account, ibinahagi ni incoming Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang magandang balita ukol sa panibagong miyembro ng pamilya Duterte.

Makikita sa larawan na buhat ng mga nurse ang bagong silang na si Rodrigo III.

Sa caption ng larawan, sinabi pa ni Pulong ginawa na siyang lolo ng kaniyang anak na si Rodrigo “Rigo” Duterte II.

Nagpasalamat din si Pulong sa mga doktor at nurse na nag-aalaga sa kaniyang apo.

Read more...