Ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite makararanas ng water service interruption mula June 11 hanggang 12

Makararanas ng water service interruption ang malaking bahagi ng Metro Manila at ilang parte ng Cavite mula June 11 hanggang 12.

Ayon kay Grace Laxa, tagapagsalita ng Maynilad Water Services Inc., mawawalan ng tubig ang siyam na lugar sa Metro Manila habang lima naman sa Cavite.

Narito ang mga apektadong lugar:

Sa Metro Manila:
– Caloocan
– Las Piñas
– Makati
– Malabon
– Manila
– Muntinlupa
– Navotas
– Parañaque
– Quezon City

Sa Cavite naman:
– Bacoor
– Cavite City
– Imus
– Noveleta
– Rosario

Paliwanag ng Maynilad, ito ay bunsod ng isasagawang maintenance work para ikabit ang rapid mixer sa kanilang treatment plant sa La Mesa.

Dahil dito, pinayuhan ang mga customer ng Maynilad na magsimula nang mag-ipon ng tubig para mayroong makonsumo sa nasabing petsa.

Read more...