Libu-libong katao, nakiisa sa kilos-protesta sa Hong Kong vs China Extradition bill

Libu-Libong katao ang nagsama-sama sa ikinasang kilos-protesta para tutulan ang binabalak ng Hong Kong government na China Extradition Bill.

Ayon sa Hong Kong police, aabot sa 2,000 ang ipinakalat para mapanatili ang kapayapaan sa demonstrasyon.

Inaasahan naman ng pulisya na aabot sa 500,000 katao ang dadalo sa protesta.

Ito ang pinakamalaking kilos-protesta ng mga Hong Kong national sa loob ng 15 taon.

Tutol ang mga ito sa pagbabago ng extradition treaty sa pagitan nila at China.

Sa ilalim ng panukalang amendment sa batas, papayagan na ipadala ang mga suspek sa China at doon harapin ang kanilang mga kaso.

Giit ng ilan na hindi na kailangang baguhin ang extradition treaty sa pagitan ng dalawang bansa at sa katunayan ay mayroon na ring extradition treaty sa pagitan ng Hong Kong, Taiwan, at Macau.

Nagsimula ang mga protesta sa Victoria Park at nagmartsa sa Causeway Bay, Wanchai, hanggang umabot sa Hong Kong parliament.

Sa Miyerkules, sisimulan ang pag-uusapan ng parliament ukol sa amendments para sa Fugitive Offenders Ordinance sa Hong Kong.

Read more...