Treasurer sa isang bayan sa Occidental Mindoro, patay sa ambush

Dead-on-the-spot ang isang treasurer ng bayan ng Sta. Cruz sa Occidental Mindoro, Sabado ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, information officer ng MIMAROPA police, sakay ng kaniyang motorsiklo, binabagtas ng biktimang si Reydante de Lara, 53-anyos, ang national highway nang biglang pagbabarilin sa Sitio Esperanza sa Barangay Mulawin bandang 6:30 ng gabi.

Nakasakay din sa motorsiklo ang dalawang hindi pa nakikilalang gunman.

Ayon naman sa mga imbestigador, posibleng away sa lupa ang motibo sa pamamaril.

Sa ngayon, nagkasa na ang pulisya ng pursuit operation para mahuli ang mga nakatakas na responsable sa pamamaril.

Read more...