Antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon, patuloy na nababawasan

Sa kabila ng nararanasang pag-ulan, patuloy pa ring nababawasan ang antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon.

Sa datos ng PAGASA, bumaba sa 165.74 meters ang water level sa Angat Dam sa araw ng Linggo (June 9).

Mula naman sa 101.15 meters, bumaba sa 100.74 meters ang water level ng Ipo Dam ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, parehong mas bababa sa normal high water level ng Angat at Ipo Dam.

Samantala, nabawasan din ang water level sa La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, Pantabangan Dam, Magat Dam, at Caliraya Dam.

Read more...