Dating call center agent, timbog sa tangkang pagpuslit ng shabu sa Mandaue City Jail

Arestado ang dating call center agent dahil sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa Mandaue City Jail sa Cebu, Linggo ng umaga.

Nahulihan ang suspek na si Paul Guinto, 30-anyos, ng isang pack ng shabu habang papasok sa male dormitory ng nasabing kulungan.

Unang napansin ng jail officer na si Julius Cagas ang malaking umbok sa likod ng suspek.

Nang inspekyunin, dito na nakita ang mga kontrabando kay Guinto.

Ayon kay Cagas, bibisitahin dapat ni Guinto ang isang Richie Mayol sa kulungan.

Sa isang panayam, inamin ng suspek na hindi pa niya nakikita nang personal si Mayol ngunit inutusan aniya siya ng kaniyang pinsan na magdala ng kontrabando para sa kalapit na P15,000,

Iginiit ng suspek na kailangan niya ang pera para sa operasyon ng anak.

Maliit man aniya na halaga ng pera, sinabi ni Guinto na malaking tulong ito para sa operasyon ng kaniyang anak.

Inamin din ng suspek na gumamit siya ng ilegal na droga noon at naaresto na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) noong 2017.

Si Guinto ay nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Mandaue City.

Read more...