GMA network, sinusuri ang video ng pag-collapse ni Eddie Garcia

Masinsinang sinusuri ng GMA 7 network ang video ng pag-collapse ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Nasa kritikal na kondisyon si Eddie makaraang atakihin sa puso sa kasagsagan ng taping ng bago nitong programa sa telebisyon.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng TV network na umabot sa kanilang pamunuan ang nasabing video.

Sinusuri anila ang video maging ang mga nakuhang video ng kanilang mga cameraman sa set ng programa bago maglabas ng konklusyon sa insidente.

Dagdag pa nito, hihintayin din nila ang pormal na update mula sa pamilya at doktor ng aktor ukol sa kondisyon nito.

Hinikayat din ng GMA network ang publiko sa patuloy na pagdarasal sa mabilis na magpagaling ni Eddie.

Read more...