Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Guillermo Eleazar, ito ay para matiyak ang peace and order sa SONA ng pangulo.
Ayon kay Eleazar, paiiralin ng mga pulis ang maximum tolerance.
Kinakailangan na magkaroon aniya ng pag-uusap ang mga pulis at mga raliyista.
Kung anuman aniya ang mapag-uusapan ng dalawang panig, dapat na tuparin ng magkabilang kampo.
Paliwanag ni Eleazar, sa nakalipas na tatlong DONA, hindi naglagay ng barb wire ang PNP at hinayaan ang mga raliyista na makapagsagawa ng kilos-protesta basta’t tiyakin na naayon sa batas ang malayang pamamahayag.
Sa ngayon, sinabi ni Eleazar na wala namang namomonitor ang PNP na banta sa seguridad para sa SONA ng pangulo.