Niyanig ng tatlong magkakahiwalay na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Linggo ng hapon (June 9).
Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol dakong 1:42 ng hapon.
Makalipas ang higit 20 minuto, muling niyanig ang nasabing lugar ng kaparehong lakas ng lindol.
Kapwa may lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.
Samantala, tumama ang ikatlong lindol na may lakas na magnitude 3.6 sa Sarangani bandang 2:47 ng hapon.
May lalim ang lindol na 6 kilometers at tectonic din ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES