Pangasinan at mga kalapit lugar nilindol

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Bolinao, Pangasinan, pasado ala-una ng hapon, Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), ang lindol ay tectonic origin at may lalim na 26 kilometer.

Naramdaman naman ang intesity 1 sa Dagupan City.

Nilinaw rin ng Philvolcs na wala namang inaasahang aftershocks at wala ring naiulat na may nasawi o nasaktan sa nasabing lindol.

Read more...