(Developing) Kumalat sa social media ang mga ulat kaugnay sa umano’y pagiging comatose ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Sinasabi sa mga ulat na nawalan ng malay ang 90-anyos na aktor habang nasa shooting ng isang telenovela sa Katuparan street sa Tondo, sa Maynila.
Kaagad siyang isinugod sa Mary Johnston Hospital sa Tondo.
Sa larawan na ibinahagi ni Glaysa Apoya ay makikita ang aktor na sama-samang binubuhat ng mga tao sa set ng teleserye ng GMA-7 na Little Nanay.
Sinabi ni Direk Armand Reyes na wala pa ring malay ang aktor sa loob ng emergency room ng nasabing ospital.
Samantala, pasado alas-singko ng hapon ay iniulat na nagkamalay na ang aktor at kaagad na inilipat sa isang pagamutan sa Quezon City.
Pinaniniwalaag dumanas ng heart attack si Eddie Garcia base sa paunang pagsusuri sa Mary Johnston Hospital.
Naglabas na rin ng official statement ang pamilya ni Eddie Garcia at narito ang kanilang mensahe sa publiko.
“Manoy Eddie Garcia was at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care.
Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concern and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery. At 90, he is still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest time possible. Thank you”.