Piñol: Pilipinas nanatiling 100% na ligtas sa African Swine Fever

Inquirer file photo

Inihayag ni Agriculture Sec. Manny Piñol na wala pang kaso ng African swine fever (ASF) ang naitatala sa bansa.

Kasabay nito ay kanyang hinimok ang mga hog raisers na doblehin pa ang kanilang produksyon para matiyak na hindi kakapusin sa supply ng baboy ang mga pamilihan.

Tiniyak rin ng opisyal na patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng pamahalaan para matiyak na walang makakakapasok na produkto na apektado ng ASF sa bansa.

Bukod sa paggamit ng mga meat-sniffing dogs, ang D.A ay hihingi rin ng dagdag na pondo para sa mga X-ray machines na gagamitin sa pagmonitor sa mga meat products na pumapasok sa Pilipinas.

Kabilang sa mga karne ng baboy na bawal ipasok sa bansa ay galing sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.

Nauna dito ay ban na rin sa bansa ang mga karne ng baboy mula China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine.

Kamakailan ay sinuyod na rin ng mga tauhan ng D.A ang mga pamilihan para kumpiskahin ang mga processed pork products na galing sa mga bansang apektado ng ASF.

Read more...