Raptors wagi sa Game 4 kontra Warriors

NBA Photo

Halos abot kamay na ng Toronto Raptors ang kampyunato sa 2019 NBA season.

Kasunod ito ng ikatlong panalo ng koponan sa Game 4 ng best-of-seven finals laban sa defending champion na Golden State Warriors sa score na 105-92.

Muling ibinaon ng Raptors ang Warriors sa pagtutuos nila sa home-court ng Golden State Warriors (GSW) sa Oracle Arena para maitala ang 3-1 lead.

Hindi nakatulong ang pagpapasiklab ni Stephen Curry na gumawa ng 47 na puntos para maisalba ang koponan at manaig ang home-court advantage.

Hindi pa rin nakapaglaro sina Kevin Durant at Klay Thompson na naging miron na lang sa laban habang inilulugso ng Raptors ang kanilang koponan.

Magbabalik sa teritoryo ng Raptors ang Game 5 sa Martes, June 11.

Read more...