ITCZ nakakaapekto sa Mindanao

Nakakaapekto ngayong araw sa Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, magdudulot ang ITCZ ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Mindanao.

Ibinabala ng weather bureau ang posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga oras na may malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa mainit at maalinsangan pa rin ang panahon na may posibilidad pa rin ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon sa mga karagatan ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...