M4.1 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:19 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 35 kilometro Timog-Kanluran ng Sarangani.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang intensity III sa Kiamba, Sarangani at General Santos City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...