Ayon sa ulat, inaprubahan ng Santo Papa ang pagbabago ng orihinal na linya na “do not lead us into temptation” na gagawing “do not let us fall into temptation.”
Ang pagbabago ay inaprubahan ng general assembly ng Episcopal Conference of Italy noong Mayo.
Ang rewording ng “Lord’s Prayer” ay ilalabas sa ikatlong edisyon ng Messale Romania, ang liturgical book na ginagamit sa misa.
Taong 2017 ay naniniwala na umano ang Santo Papa na dapat baguhin ang naturang mga salita.
Ayon kay Pope Francis, ang naturang dating mga salita ay hindi umano maganda ang kahulugan dahil tila pinalalabas na ang Diyos ang nagbibigay o dahilan ng tukso.
“A father doesn’t do that; a father helps you to get up immediately. It’s Satan who leads us into temptation – that’s his department,” pahayag ng Santo Papa.