Mga magulang ng mga menor de edad na nailigtas sa Antipolo sumugod sa DOJ

PDI Photo / Richard A. Reyes

Nagka-tensyon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura, Maynila matapos sumugod ang mga magulang ng 15 menor de edad na nailigtas mula sa human trafficking.

Nais ng mga magulang na ibalik na ng DOJ ang kanilang mga anak matapos sumailalim sa inquest proceedings ang naarestong 2 suspek.

Ayon sa mga magulang, nagpaalam ang kanilang mga anak na magsi-swimming kasama ang mga kaibigan.

Liban sa 15 menor de edad, nailigtas din ang 11 babae na umanoy ibinubugaw ng 2 suspek sa halagang P4,000 hanggang P5,000.

Pero sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mananatili muna sa kanilang kustodiya ang mga menor de edad dahil sasailalim pa ang mga ito sa debriefing at mayroon pang legal na proseso.

Hanggang Biyernes ng gabi ay nasa loob pa rin ng compound ng DOJ ang apat na sasakyan na magdadala sa mga menor de edad sa 2 shelter.

Read more...