‘Backlogs’ ng mga kaso, mababawasan ng Judges-at-Large Act of 2018 – Sen. Gordon

Kumpiyansa si Senator Richard Gordon na kapag naging ganap na batas ang Senate Bill No. 2065 o ang Judges-at-Large Act of 2018 ay mababawasan ang ‘backlog’ ng mga kaso sa mga korte.

Sinabi ni Gordon, layon ng iniakdang niyang panukala na lumikha ng 100 posisyon para sa RTC judges-at large at 50 MTC judges-at large sa buong bansa na maaring italaga ng Korte Suprema bilang acting o assisting judges sa mga korte na tambak ang mga nakabinbing kaso.

Binanggit pa ni Gordon na hanggang noong taong 2017, halos 800,000 ang mga nakabinbing kaso sa 2,300 korte sa bansa at hanggang noong Disyembre, higit sa 500 ang kinakailangang hukom ayon sa Korte Suprema.

Aniya, ang mga at-large judges ay maaring punan ang mga bakanteng posisyon sa mga korte hanggang walang naitatalagang permanenteng hukom.

Tinanggap at inaprubahan na ng Kamara ang Senate version ng panukala at umaasa si Gordon na sa lalong madaling panahon ay pipirmahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...