Duterte, ipinag-utos sa PhilHealth ang pagsasampa ng kaso vs responsable sa ‘ghost’ dialysis treatment

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga nasa likod ng ‘ghost’ dialysis treatment.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na lubos na nababahala ang Palasyo sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng ahensya.

Aniya, sinabihan ng pangulo ang pamunuan ng PhilHealth na paglatag ng criminal action laban sa mga opisyal na pumayag sa maling paggamit ng pondo.

Maliban dito, hiningan din aniya ng Punong Ehekutibo ang acting president ng PhilHealth na magsumite ng detalyadong report ukol sa mga iregularidad.

Titiyakin aniya ng administrasyong Duterte na mahihinto ang korupsyon sa ahensya.

Dapat lang aniyang mapatawan ng karampatang parusa ang mga nasa likod ng panloloko.

Ayon pa kay Panelo, sisiguraduhin ding maipatutupad ang Universal Health Care law.

Read more...