Women’s team ng Pilipinas hindi na makakatuloy sa 2019 FIBA World Cup

Matapos ang magandang laro sa preliminary games, hindi na makakatuloy ang women’s team ng Pilipinas para sa 2019 FIBA 3×3 Under 18 World Cup.

Ito ay makaraang matalo ang koponan ng Pilipinas ng China sa quarterfinals sa Mongolia.

Umarangkada sa laro ang manlalaro ng China na si Bei Liu para masungkit ang isang pwesto sa semifinals.

Matatandaang nakapagtala ang koponan ng Pilipinas ng 3-1 win-loss record sa Pool C sa kasagsagan ng elimination round.

Read more...