Gun ban epektibo pa rin hanggang June 12 – PNP

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko ukol sa ummiral pa ring gun ban ng Commission on Elections (Comelec) para sa nagdaang 2019 midterm elections.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac na epektibo pa rin ang gun ban hanggang June 12.

Sakop kasi ng election period petsa mula January 13 hanggang June 12, 2019.

Aniya, hangga’t maaari, huwag nang magdala ng anumang uri ng armas sa labas ng kanilang tahanan.

Kung expired na ang lisensya nito, maari aniyang pansamantalang ibigay sa kustodiya ng pinakamalapit na istasyon ng pulisya.

Mula January 13 hanggang June 7 ngayong araw, nakumpiska ng PNP ang kabuuang 5,191 na armas sa mga ikinasang operasyon.

Read more...