Pagtanggap ni Sec. Rolando Bautista sa apology ni Erwin Tulfo may mga kondisyon

Nagsalita na si Social Welfare Secretary Rolando Bautista ukol sa naging pagbanat laban sa kaniya ng brodkaster na si Erwin Tulfo.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Bautista na tatanggapin nito ang paghingi ng tawad ni Tulfo kung aaminin ang mga pagkakamali sa pamamagitan ng paglalabas nito sa mga kilalang pahayagan, istasyon ng radyo at sa maging sa kaniyang social media accounts.

Maliban dito, sinabi ng kalihim na sa halip na magbayad ng danyos dahil sa pagsira sa kaniyang reputasyon, dapat magbigay ng donasyon si Tulfo na nagkakahalaga ng P300,000 sa 19 na institusyon ng gobyerno.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Philippine Military Academy (PMA)
– PMA Alumni Association Incorporated
– Association of Generals and Flag Officer
– First Scout Ranger Regiment, Philippine Army
– Special Forces Regiment (Airborne), Philippine Army
– Light Reaction Regiment, Philippine Army
– Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF)
– Philippine Naval Special Operations Group, Philippine Navy
– Philippine Marines Special Operations Group, Philippine Navy
– PNP Maritime Group
– Trust Fund for the City of Marawi’s Internally Displaced Persons (IDPs) na hawak ng DSWD-BARMM
– Philippine Veterans Hospital
– AFP Victoriano Luna Medical Center
– PNP Camp Crame General Hospital
– Philippine Army General Hospital
– Philippine Navy General Hospital
– Philippine Air Force General Hospital
– Philippine Coastguard General Hospital; at
– Educational Trust Fund for the deserving children of DSWD employees na dapat nakadeposito sa

Landbank.

Matatandaang bumanat si Tulfo na sasampalin si Bautista makaraang hindi sagutin ang tawag para sa

makapanayam sa kaniyang radio program.

Dahil dito, binawi ng PNP ang mga nakatalagang security escort sa kaniya at kaniyang mga kapatid.

Read more...