Lalaki tinaga ng kanyang kainuman sa Valenzuela

Tinaga ang isang lalaki ng kanyang kaibigan matapos magtalo habang nag-iinuman.

Ayon sa Valenzuela City Police, dalawang beses na tinaga sa kaliwang kamay si Benidicto Vallada, 30 at dinala agad sa Valenzuela Medical Center.

Ang suspek na si Raymund Villagomez Cejes Jr., 52 ay naaresto matapos ang insidente.

Nagtalo ang dalawa alas-5, Biyernes ng umaga, June 7, sa may Ilokto St. at nauwi ito sa pananaga kay Vallada gamit ang bolo na dala ni Cejes.

Sinampahan na ng kasong Frustrated Homicide ang suspek.

Read more...