Drug suspect patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Pampanga

Nasawi ang isang drug suspek matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Cabalantian sa Bacolor, Pampanga, madaling araw ng Biyernes (June 7).

Nakilala ang napatay na si Arjin Bondoc, residente ng San Fernando City, isang drug personality at nakulong na rin dahil sa pagnanakaw.

Ayon kay Police Major Louie Gonzaga, hepe ng Bacolor Police, natunugan ni Bondoc na pulis ang kanyang katransakyon kaya nagpumiglas ito at nagpaputok ng baril gumanti naman ng putok ang mga otoridad na kanyang ikinasawi.

Nakuha sa suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu, P500 na marked money at ang ginamit na baril.

Iginiit naman ng pamilya ni Bondoc na hindi nila alam ang mga transaksyon nito at itinanggi rin nila ang mga akusasyon ng mga awtoridad.

Ikatlo na si Bondoc sa napatay sa operasyon kontra iligal na droga sa bayan ng Bacolor mula pa noong buwan ng Marso.

Read more...