Frankie Pangilinan, nagtapos na sa highschool

Proud parents ang singer at aktres na si Sharon Cuneta at Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pagtatapos sa high school ng kanilang anak.

Nagtapos si Frankie Pangilinan sa high school sa Beacon Academy, araw ng Biyernes (June 7).

Sa Instagram, nag-post ng mga larawan si Sharon kung saan suot ng kaniyang 18 anyos na anak ang asul na toga.

Dumalo naman sa graduation ceremony ang mga kapatid nito na sina Miel at Miguel at ilang pinsan.

Nag-post din si Senator Kiko ng larawan kung saan tinanggap ni Frankie ang kaniyang diploma.

Samantala, hindi man nakadalo sa graduation ceremony, nagbigay naman ng mensahe si KC Concepcion kay Frankie sa pamamagitan ng social media.

Read more...