Not guilty plea ang inihain ni Kelly sa Cook County court para sa nasabing kaso na may katapat na parusang hanggang 30 taon na pagkakakulong.
Matapos ang arraignment, tumanggi si R. Kelly na magpaunlak ng panayam sa mga mamahayag.
Muli namang itinakda ni Judge Lawrence Flood ang pagdinig sa kaso sa June 26.
Kabilang sa 11 panibagong kaso na kinakaharap ni R. Kelly ay aggravated criminal sexual assault.
Itinatanggi ng kampo ng singer na sangkot ito sa sexual abuse.
Ayon sa abogado niyang si Steve Greenberg ang panibagong kaso ay kahalintulad lang din ng inihain sa singer noong Pebrero kung saan inaakusahan itong nang-abuso ng apat na babae kabilang ang tatlong menor de edad.
Ayon naman kay Darryl Johnson tagapagsalita ni R. Kelly sa umpisa ay nagdulot ito ng depresyon sa singer, pero alam umano ng singer kung ano ang katotohanan.