Sunog sumiklab sa isang residential area sa Parañaque City

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Sun Valley sa Parañaque City.

Ayon kay Bureau of Fire Protection-Parañaque Chief Supt. Robert Pacis, ang sunog ay nag-umpisa 10:40 ng umaga ng Huwebes (June 7) sa Block 3, Cherry East Street sa Edison Avenue.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung ilang pamilya ang naapektuhan nito.

Read more...