Operasyon ng LRT-2 balik-normal na

Matapos ang mahigit isang oras na aberya, balik operasyon na ang Light Rail Transit 2.

Nasuspinde ng mahigit isang oras ang operasyon ng mga tren ng LRT 2 dahil sa problema sa riles sa bahagi ng Cubao Station.

Sa update mula sa LRT-2, balik normal ang operasyon alas 11:28 ng umaga.

Bago mag alas 10:00 ng umaga nang itaas ang code red alert sa biyahe ng LRT-2 at sinuspinde ang operasyon.

Technical problem ang binanggit na dahilan sa insidente na nagresulta sa pagpapababa sa mga pasahero.

Read more...