Ayon sa PAGASA Hydrology Division, bumaba pa sa 166.50 meters ang water level sa Angat dam ngayong umaga ng Biyernes, June 7.
Mas mababa ito kumpara sa 166.99 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Samantala, ang La Mesa dam naman ay nasa 68.76 meters ang water level.
Mas mababa din ito kumpara sa 68.79 meters na water level kahapon.
Maliban sa dalawang dam na ito na pinagkukuna ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay nabawasan din ang water level sa lahat ng mga dam sa Luzon.
READ NEXT
VIRAL: “A Whole New World” version ng 2 guro, naglalarawan ng sitwasyon sa mga public school
MOST READ
LATEST STORIES