VIRAL: “A Whole New World” version ng 2 guro, naglalarawan ng sitwasyon sa mga public school

Sa gitna ng mga problema ng nararanasan kasunod ng pagbubukas ng klase noong Lunes, viral ngaon ang video ng dalawang guro na kumakanta ng sariling bersyon nila ng “A Whole New World”.

Ibinahagi sa Facebook Page ng guro na si Jolly Martinez ang kanilang duet ng kaniyang kapwa guro.

Sa nasabing awit, binago nila ang lyrics ng kantang “A Whole New World” at inilarawan ang sitwasyon ng mga public school at ng mga mag-aaral.

Ayon kay Martinez, ito ang kanilang pamamaraan para maipakita ang “dramatic work experience” bilang guro.

Sa naturang kanta, binanggit ang sitwasyon sa mga silid-aralan na kung minsan ay umaabot sa halos 99 ang estudyante.

Binanggit din ang maraming paper works ng mga guro at kahit panahon ng bakasyon ay kailangan nilang gugulin sa paglilinis ng mga paaralan.

Sa panig naman ng mga estudyante, binanggit sa kanta ang maraming homeworks, quiz at long quiz.

Biyernes (June 7) ng umaga umabot na sa mahigit 40,000 ang views ng video sa Facebook at halos 1,500 na shares.

Read more...