Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, mayroon na lamang hanggang bukas ang kampo ni Poe para maghain ng Motion for Reconsideration laban sa desisyon ng Comelec.
Nilinaw naman ni Bautista na hindi naman mandatory o obligado na i-consolidate ang dalawang kaso.
Nais din umano ni Bautista na maisalang sa pagdinig sa En Banc ang kaso ni Poe dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makalahok sa oral argument ng dalawang division.
Pero dahil may target na panahon ang Comelec, pagbabasehan na lamang umano ni Chairman Bautista ng kanyang desisyon sa mga naihaing dokumento.
Bukas, nakatakda muling isalang sa special En Canc session ng Comelec ang MR ni Poe matapos mabigo ang mga myembro ng En Banc na pagbotohan ang kaso kanina.
Samantala itinakda naman sa December 23 ang pagpapalabas ng Comelec sa mga listahan ng mga kandidato sa 2016 elections.