Metro Manila iba pang bahagi ng Luzon apektado ng Easterlies – PAGASA

Dalawang weather system ang umiiral ngayon sa bansa na maaring makapaghatid ng pag-ulan.

Ayon sa 4am weather forecast ng PAGASA, apektado pa rin ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang Palawan at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro, Zamboanga Peninsula, at Palawan ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan.

Magdudulot naman ng isolated na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Visayas, at nalalabing bahagi ng Mimaropa at Mindanao ang easterlies.

Ayon sa PAGASA, ang biglaang malakas na buhos ng ulan na maaring maranasan ay posibleng magdulot ng flash floods at landeslides.

Read more...